-- Advertisements --

Idudulog ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy sa Korte Suprema para kuwestiyunin ang legalidad ng arrest warrant laban sa pastor.

Sinabi ni Atty. Mark Tolentino isa sa mga abogado ni Quiboloy na naniniwala sila na sa tulong ng ilang mga senador ay hindi maaresto si Quiboloy.

Magugunitang pumirma sina Senator Robin Padilla, Cynthia Villar, Bong Go at Imee Marcos na kumukontra sa pag-aresto kay Quiboloy.

Dagdag pa nito na kanilang kukuwestiyunin sa Korte Suprema na walang kapangyarihan ang Senado na ipaaresto si Quiboloy dahil sa mayroon ng unang kasong naihain sa Department of Justice.