Nanindigan ang kampo ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo na umabot sa mahigit 400,000 ang bilang ng mga dumalong tagasuporta nila sa ginanap na 57th birthday campaign rally noong Sabado, Abril 23.
Ito ay makaraang sabihin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na tanging nasa 70,000 hanggang 80,000 lamang ang bilang ng mga dumalo sa nasabing event sa Macapagal Boulevard.
Sa isang statement ay sinabi ni Office of the Vice President spokesperson, Atty. Barry Gutierrez na sa kabila nito ay naniniwala pa rin sila na tinatayang umabot talaga sa 412,000 ang bilang ng mga nagpunta sa campaign rally ni Robredo.
Aniya, puno ng mga volunteer at tagasuporta ang Macapagal Boulevard na mayroong limang kilomentro ang haba at 32 metro naman ang lapad.
Matapang din niya na sinabi na maaaring gumamit ng online tools ang sinuman upang mapatunayan ang nasabing bilang.
Samantala, una rito ay ipinahayag din ng NCRPO na karamihan sa mga raliyista ang agad na umalis sa event makalipas ang ilang sandali.
Nagtagal naman ang nasabing rally hanggang alas-11 ng gabi na ginanap naman mula sa bahagi ng Gil Puyat Avenue ta EDSA Extension.