-- Advertisements --
Isinisi ng kampo ni Senator Leila De Lima ang kawalan ng sapat na ventilation ng kaniyang kulungan kaya dumanas ito ng matinding migraines.
Sinabi ng kaniyang doctor na si Dr. Meophilia Santos-Cao matapos na payagan ito ng Muntinlupa court na makalabas dahil umano ito ay nagkaranas ng mild stroke.
Ayon pa sa doktor nito na nakalabas nito sa Manila Doctor’s Hospital matapos ang isinagawang test sa senadora.
Naging normal aniya ang mga lumabas sa Brain Magnetic Resonance Imaging (BMRI) at CT angiography.
Matagal na aniyang mayroong vertigo ang senador na ito ay lumalala dahil sa mainit na panahon at mahinang bentilasyon sa detention cell nito.