-- Advertisements --

Pumalag ang management ni Shanti Dope kaugnay sa plano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ipagbawal sa pagpapatugtog sa ere ng awiting “Amatz” ng nasabing Filipino rapper/songwriter.

Ito’y kasunod ng pahayag ni PDEA Director General Aaron Aquino kahapon kung saan ang lyrics ng kanta ay ipinu-promote ang paggamit ng marijuana na kontra sa kampanya ng kasalukuyang administrasyon laban sa illegal drugs.

“Lakas ng amats ko / Sobrang natural / Walang halong kemikal. Ito hinangad ko / lipadin ay mataas pa sa kayang ipadama / Sa’yo ng gramo / ‘Di bale nang musika ikamatay,” bahagi ng kontrobersyal na awitin.

Ayon sa kampo ni Shanti Dope o Sean Patrick Ramos sa tunay na buhay, sana ay pakinggan ng PDEA nang buo ang kanta at huwag lang mag-focus sa ilang bahagi nito dahil nakaka-offend at “unfair” para sa sumulat ng kanta.

Katunayan anila, patungkol ang simula ng awitin sa mga ill effects, karahasan at panganib na maidudulot ng droga: “Kamatayan o parak / Na umaga o gabi, may kahabulan / Dami ng nasa ataol pa / Hangang katapusan laki ng kita sa kahuyan.

“Lastly, this ban sets a dangerous precedent for creative and artistic freedom in the country, when a drug enforcement agency can unilaterally decide on what a song is about, and call for its complete ban because it is presumed to go against government’s war on illegal drugs. This is a brazen use of power, and an affront to our right to think, write, create, and talk freely about the state of the nation,” bahagi ng pahayag ng panig ni Shanti Dope.