-- Advertisements --

Hinamon ng abogado ni Sheila Guo ang mga nagdududa sa naging testimoniya ng kaniyang kliyente sa pagdinig ng Senado noong Martes, Agosto 27.

Sinabi ni Atty. Stephen David na abogado din ng sinibak na dating alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, na dapat magpakita ng patunay o ebidensiya na nagsisinungaling si Sheila Guo ang mga nagdududa sa kaniya.

Depensa pa ni Atty. David na tinanong ni Sheila si Alice Guo kung saan sila papunta noong gabi na umalis sila ng Pilipinas subalit hindi nakakuha ang mga ito ng maayos na sagot.

Ayon kay Atty. David, sinabi umano ni Alice Guo kay Sheila na huwag na itong magtanong para sa kaniyang ikabubuti at hindi din naman umano siya sasagutin.

Kayat nagrerely talaga umano si Sheila sa kaniyang kasama. Naniniwala din si Atty. David sa kwento ng kaniyang kliyente.

Naniniwala din si Atty. David nang sabihin ni Sheila na wala siyang anumang alam sa negosyo ng pamilya Guo.

Sa pagdinig nga ng Senado noong Martes, lumabas na hindi tunay na kapatid ni Alice Guo si Sheila Guo. Nabunyag na pamangkin siya ni Lin Wen Yi na kasintahan ng ama ni Alice na si Jian Zhong Ghuo.

Mayroon ding Chinese passport si Sheila kung saan ang nakalagay na pangalan nito ay Zhang Mier na may bisa hanggang sa 2031.