Muling iginiit ng kampo ni dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr na hindi maaaring ma extradite ang dating mambabatas habang nakabinbin ang political asylum request nito sa Timor Leste.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, iaapela nila ang extradition order na inisyu laban sa kanyang kliyente ng Timor Leste Court of Appeals.
Aniya, ang hatol na ibinaba kay Teves ay maaari pang iaapela at ito ay kanilang gagawin.
Ginawa nga ni Topacio ang pahayag matapos na kumpirmahin ng DOJ na pinaburan ng TL ang extradition request na inihain ng gobyerno ng PILIPINAS laban kay Teves.
Paliwanag pa ni Topacio, nakasaad sa Article 300 ng Code of Civil Procedure ng Timor-Leste, mayroon silang 30 days para maghain ng apela mula ng maisyu ang notice.
Samantala, sinabi ng DOJ na ang motion for reconsideration na inihain ng kampo ni Teves para sa political asylum request nito ay ibinasura na.
Ito ang kinumpirma ni DOJ Undersecretary Raul Vasquez sa isang panayam.
Nagpasalamat naman ang DOJ sa Timor Leste dahil sa naging desisyon ng Timor Leste Court of appeal.
Umaasa ito na ibabasura rin ng korte sa naturang bansa ang apela ni Teves para sa kanyang extradition order.