-- Advertisements --

Kinuwestiyon ngayon ng kampo ni dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. ang naging desisyon ng Korte sa Timor Leste kung saan ay pinaburan nito ang extradition request ng Pilipinas laban sa kanilang kliyente.

Kabilang sa kinuwestiyon ng mga abogado ni Teves ay ang naging procedure sa pagdinig ng naturang kaso partikular na ang bilang ng mga hukom na kasama sa desisyon.

Ito aniya ang dahilan kung bakit ipinag-utos ng korte sa East Timor na magpresenta ng mga bagong ebidensya sa kaso.

Sa isang pahayag, sinabi naman ng Department of Justice na ang judicial system sa Timor Leste ay patas sa pagdinig ng kaso

Pinasalamatan naman ng Justice Department ang naging desisyon na ito ng korte sa naturang lugar dahil sa pagpapakita nito ng efficiency sa kanilang justice system.

Sa kabila naman nito ay sinabi ng legal counsel ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na hindi pa niya nababasa ang kabuuang desisyon.