Ibinunyag ng kampo ni US President Trump ang ilang naganap na dayaan sa ilang estado noong nakaraang US election.
Ayon sa personal attorney ni Trump na si Rudy Giuliani, naging bulgaran umano at malawakang ang dayaan sa katatapos na halalan.
Bagamat wala itong hawak na ebidensiya ay ipinaggigiitan ng dating New York mayor na nasa tamang daan ang kanilang legal team sa pagkuwestiyon sa resulta ng halalan.
Isa sa inihalimbawa nito ay ang nangyari sa Pennsylvania at Michigan kung saan ang mga Republican poll watchers ay pinagbawalang panoorin ang proseso ng bilangan dahil inilagay umano sila sa malayong lugar.
Ilan pa rito ay ang pag-utos ng mga election supervisors sa mga empleyado sa Michigan na palitan ang petsa ng mga absentee ballots.
Naging mainitan pa ang press conference dahilan pagbatikos ng Trump campaign senior legal adviser Jenna Ellis sa papel ng media o “pagiging bias” na hindi umano sila binibigyang halaga.
“This is basically an opening statement so the American people can understand what the networks have been hiding and what they refuse to cover because all of our fake news headlines are dancing around the merits of this case and are trying to delegitimize what we are doing here,” ani Ellis. “Let me be very clear that our objective is to make sure to preserve and protect election integrity.”
Magugunitang nagpaunang bayad na ang kampo ni Trump na $3-million para sa recount sa halalan sa Wisconsin.