-- Advertisements --
Nakatakdang dalhin sa US Supreme Court ng kampo ni President Donald Trump ang pagkuwestiyon nila sa resulta ng halalan sa Pennsylvania.
Ang hakbang ay kasunod nang pagbasura ng federal appeals court sa kasong inihain ng kampo ni Trump sa pagkuwestiyon sa voting procedures sa nabanggit na estado.
Ayon sa 3rd US Circuit Court of Appeals walang merit ang pagkuwestiyon na ito ng kampo ni Trump.
Naniniwala naman si Jenna Ellis ang abogado ni Trump at campaign adviser nito na malawakan pa rin ang naganap na halalan sa nasabing estado.
Handa aniya silang maglabas ng anumang ebidensiya sa usapin.
Bukod aniya sa Pennsylvania ay iginigiit din ng kampo ni Trump ang naganap daw na malawakang dayaan sa Michigan Wisconsin, Nevada, Arizona at Georgia.