-- Advertisements --

Nagdiwang ang kampo ni US President Donald Trump payagan ng judge sa Michigan ang imbestigasyon sa 22 Dominion vote tabulation machine sa Antrim County.

Sinabi ni Atty. Jenna Ellis, ang abogado ni Trump, na agad silang magsasagawa ng forensic examination sa nasabing tabulation machine kung saan malalaman agad ang resulta sa loob ng 48 na oras.

Itinuturing naman ni Attorney Rudy Giuliani na isang malaking panalo na nila ang nasabing kautusan ng korte.

Ayon naman kay Antrim County spokesperson Jeremy Scott, na tatangalin nila ang forensic images mula sa county precint tabulators na ginamit noong Nobyembre 3.