-- Advertisements --
republicans election

Posibleng maging salamin sa gaganapin na 2020 presidential election ang katatapos lamang na state election.

Ito ay matapos matikman ng Republicans ang mapait na pagkatalo ng kanilang ka-alyado na tumakbo bilang gobernador sa Kentucky at Virginia kung saan karamihan ng tutol sa Trump administration ay dito naninirahan.

Tinalo ni Democratic Attorney General Andy Beshear si Republican Governor Matt Bevin sa kabila ng isinagawang election eve-rally na pinangunahan ni President Donald Trump.

Base sa lumabas na opinion polls, dahilan din umano nang pagkatalo ni Bevin ang pakikipag-away nito sa ilang labour unions at guro sa naturang estado.

Magiging daan naman ang pagkapanalo ni Besher upang lumaki ang tsansa ng ilang Democrats upang palitan sa posisyon si Senate Majority Leader Mitch McConnell.