-- Advertisements --

Muling nanindigan ang abogado ni Mary Jane Veloso na dapat nang palayain ng gobyerno ng Pilipinas ang kanilang kliyente.

Inihalimbawa pa ng abogado nito ang pagpapalaya ng Australian government sa Australian “Bali Nine” drug convict na nakulong sa Indonesia ng 19 years.

Ang naturang grupo ay binubuo ng siyam na Australian smugglers na nakulong sa Indonesia.

Matagumpay ang naging repatriation ng Indonesian Government laban sa siyam na inmate pabalik ng Australia sa pamamagitan ng Isang kasunduan.

Matapos na makabalik ng Australia ay pinalaya na ito sa kundisyong sasailalim ito sa drug rehabilitation.

Una na ring nanawagan ang kampo ni Veloso at iba pang mga human rights group kay PBBM para mabigyan si Veloso ng Executive Clemency sa pamamagitan ng humanitarian grounds.

Ayon sa legal counsel ni Veloso, maaaring ibase ang pagbibigay ng clemency sa kanyang kliyente para sa humanitarian grounds sa halip na legal grounds.