-- Advertisements --

Nagbabala ang kampo ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio sa mga contractor at supplier ng Department of Education na mag-ingat laban sa mga indibidwal na nagpapanggap na kinatawan ng kaniyang opisina para mangolekta ng advanced payment para sa mga proyekto ng kagawaran.

Sa isang statement, nilinaw ng tagapagsalita ni Duterte-Carpio na si Liloan town mayor Christina Frasco na hindi kailanman magtatalaga si incoming Secretary of Education Sara Duterte-Carpio para makipagnegosasyon sa mga kontraktor at suppliers para naturang corrupt activities na makakasira sa kaniyang reputasyon at sa imahe ng buong kagawaran ng edukasyon at sa libu-libong mga empleyado na nasa ilalim ng organisasyon.

Nanawagan naman si Frascona sa publiko at sa mga contractors at suppliers na ireport sa awtoridad ang “suspicious activities” ng mga indibidwal na nagpapanggap na kinatawa ng incoming VP elect at DepEd secretary.

Kung maaalala, si VP-elect Sara ang itinalaga ni President-elect Marcos na maging susunod na kalihim ng kagawaran.