-- Advertisements --

Ipinaliwanag ng singer na si Vina Morales ang kanselasyon ng concert nito sa Chicago, Illinois.

Nakatakda sanang gawin ang show nito sa Doubletree by Hilton Hotel sa Skokie, Illinois ng Hunyo 2 subalit kinansela ito bigla.

Ayon sa management ng singer na nagkaroong ng problema ang promoter sa mga compliance ng contractual obligations.

Labis na nalungkot ang singer dahil sa maraming mga fans niya ang nagpadala ng mensahe sa social media na sila ay sabik na concerts.