-- Advertisements --
Umaasa ang legal counsel ni Vice President Sara Duterte na magkakaroon ng magandang resulta ang kanilang petisyon na kumukuwestiyon sa impeachment laban sa bise presidente.
Sinabi ni Atty. Sheila Sison , na sa paglabas pa lamang ng kautusan ng Korte Suprema na pinagkokomento ang mga respondents sa inihain nilang petisyon ay nakikita nilang malakas ang kanilang ipinaglalaban.
Noong nakaraang linggo kasi ay inihain ng kampo ng bise presidente ang validity at constituinality ng impeachment complaints.
Iginiit nila dapat ay sundin ang one-year ban sa paghahain ng mga ilang impeachment complaints.
Una rito ay iginiit ng mga mambabatas na legal ang kanilang paghahain ng impeachment kay Vice President Duterte