-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 ang isang kandidato ng Miss Universe pageant pagdating nito sa Israel.
Hindi na pinangalanan pa ng organizers ang nasabing contestant na siyang sasabak sa pageant sa Disyembre.
Agad na dinala sa isolation area ang nasabing contestant.
Nauna ng nagpatupad ang Israel ng pagbabawal sa mga foreign national na pumasok sa kanilang bansa sa loob ng 14 na araw para malabanan ang pagkalat ng Omicron variant ng COVID-19.