-- Advertisements --
LA UNION – Isang kandidato sa pagka-alkalde sa San Fernando City, La Union ang umatras kahapon o tatlong araw bago ang halalan sa Lunes, Mayo 9.
Ito ay si Pepe Ortega na una ring naghain ng kanyang kandidatura para tumakbo sa nasabing posisyon noong buwan ng Oktubre, nakaraang taon.
Dahil dito, dalawa na lamang ang magkatunggali sa nasabing posisyon.
Ito’y sina incumbent Mayor Dong Gualberto at incumbent Governor Pacoy Ortega.
Gayunman, hindi na rin binanggit ni Pepe Ortega ang dahilan ng pag-atras nito.
Personal ito na nagtungo sa opisina ng COMELEC-San Fernando para i-withdraw ang kanyang kandidatura.