KORONADAL CITY- Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang isang kandidato sa pagka-barangay Chairman matapos na makunan ng ibat- ibang uri ng baril at mga bala sa Purok 1, Barangay Polo, Polomolok, South Cotabato.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Police Lt. Col. Johnny Rick Medel, hepe ng Polomolok Municipal Police Station ang CIDDG-South Cotabato ang nanguna sa paghain ng search warrant sa bahay ng negsoyanteng si Leonardo Bolala De Guzman.
Narekober sa bahay ng tumatakbong barangay chairman ang ibat-ibang uri ng baril at live ammunitions.
Nabatid na ang nasabing aspirant candidate sa pagka- barangay chairman ay nagpo-post umano sa social media na may mga hawak na mga baril dahilan upang inihain ang search warrant sa tahanan nito.
Sa ngayon, nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek at nanganganib na madiskwalipika sa kanyang kandidatura.
Samantala, isa ring kasapi ng Philippine National Police and nahuli sa pagdadala ng baril sa comele checkpoint sa nabanggit na bayan.
Kasong paglabag sa ipinapatupad na Comelec gun ban ang nasabing pulis.
Kaugnay nito, nanawagan naman ang opisyal sa mga mamamatan na sumunod sa batas at iwasan ang pagbitbit ng baril o bala lalo na’t nalalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election.