-- Advertisements --

NAGA CITY – Kinansela ng Commission on Elections (COMELEC) 1st Division ang kandidatura ni Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado matapos na paburan ang petisyon na inihain ng Volunteers Against Crime and Corruption at isang alkalde ng nasabing lalawigan.

Kinuwestyon kasi ng grupo ang paghain pa ng kandidatura ng gobernador sa kabila ng pagsilbi na umano nito ng tatlong termino.

Naghain ng kandidatura si Tallado noong Oktubre dahil sa umano’y hindi nakumpletong termino sa kabila’t kanang suspensiyon at dismissal sa kanyang posisyon.

Ngunit batay sa inialabas na desisyon ng ahensiya ay nakasaad na walang naging pag-antala sa term of office gobernador.

Napag-alaman na ang nasabing petisyon ay pinangunahan mismo ng VACC-Camarines Norte Chapter at Capalonga Mayor Senandro Jalgalado.

Naharap sa magkakasunod na suspensiyon at dismissal si Tallado dahil sa kinaharap na mga kaso.