-- Advertisements --
edu manzano
Edu Manzano

Kinansela ng Commission on Elections (Comelec) 2nd Division ang certificate of candidacy (COC) ng aktor na si Eduardo Luis “Edu” Manzano na tumatakbong kinatawan ng lone district ng lungsod ng San Juan.

Batay sa 15-pahinang desisyong nilagdaan ni Comelec Commissioner Luie Guia, lumalabas na hindi pa raw Pilipino si Manzano noong panahong inihain nito ang kanyang kandidatura.

Hindi pa raw kasi rehistrado ang oath of allegiance ni Manzano sa local civil registry kung saan ito kasalukuyang naninirahan.

“It is undisputed that Respondent served in the US Armed Forces. Respondent, however, argues that he served in the US Armed Forces as a US citizen and at the same time retained his status as a natural born Filipino citizen. We do not agree,” saad sa desisyon.

“We hold that Respondent failed to reacquire his Philippine citizenship for non-compliance with the requirements of Republic Act No. 2630 and is thus ineligible to run for member, House of Representatives, representing the lone district of San Juan City,” dagdag nito.

Sa panig naman ni Manzano, hindi pa raw niya natatanggap ang kopya ng pasyang ito ng poll body.

Una nang kinuwestiyon ang pagkandidato ni Manzano dahil wala raw itong ebisensyang magpapatunay na nakatala ito sa civil registry kung saan ito nakatira.

Gayunman, maaari pa rin umanong idulog ni Manzano ang pasyang ito sa Comelec en banc.