-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagsagawa ng kanduli bilang pasasalamat sa poong maykapal ang Muslim Community sa South Central Mindanao kasabay ng pormal na pagsisimula ng Holy Month of Ramadan .

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Sultan Mutalib Sambuto, ang chief ng Muslim Affairs Unit ng South Cotabato, ito ay bilang paghahanda na rin sa gagawing isang buwan na pag-aayuno at pagpapaabot ng panalangin kay Allah.

Ayon kay Sambuto, sa loob ng isang buwan ay magfafasting ang mga ito kung saan kaakain lamang sila pagdating ng madaling araw at sa dapithapon bilang pagbibigay pugay at sakripisyo.

Maging ang pakikipagtalik ay bawal rin o anumang mga makamundong gawain dahil hindi ito kanaisnais.

Nararapat umano na sundin lamang ang magandang mga gawain para sa Ramadan.

Kaugnay nito, mas pinaigting din ang pagpapatupad sa mga health Protocols sa lahat ng mosque sa iba’t ibang parte ng South Central Mindanao kabilang na sa lalawigan ng South Cotabao upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.