-- Advertisements --
Labis ang kasiyahan ni Estonian tennis player Kaia Kanepi matapos na umabot sa unang pagkakataon sa quarterfinals ng Australian Open.
Tinalo kasi nito si Belarusian world No.2 Aryna Sabalenka sa score na 5-7, 6-2, 7-6(10) sa Margaret Court Arena.
Sa unang set ay hawak ni Sabalenka ang kalamangan subalit pagdating ng ikalawang round ay doon bumawi si Kanepi.
Naging matindi pa ang ikatlong set na umabot ng ilang deuce.
Susunod na makakaharap nito sa Polish 7th seed Iga Swiatek.