-- Advertisements --
Muling nagbuga ang bulkang Kanlaon ng 4,279 na tonelada ng sulfur dioxide o asupre sa nakalipas na 24 oras.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang hanggang limang volcanic earthquake mula sa naturang bulkan, at naitala ang hanggang sa 300 metro ng usok patungong hilagang direksyon.
Ayon sa Phivolcs, nananatili pa rin ang magmatic process sa loob ng bulkan na siyang nagiging dahilan ng patuloy nitong pag-alburuto at nananatiling inflated ang kabuuan nito.
Samantala, epektibo pa rin ang alert level 2 sa bulkan at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer-radius permanent danger zone sa palibot nito.