Nakapagtala ng panibagong mga aktibidad ang Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras ayon sa daily monitoring na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa datos, nagbuga ng may 900-metrong taas na plume ang bulkan na may kasamang panaka-nakang abo at 35 na volcanic earthquakes kabilang na dito ang 11 tremors na tumagal ng halos 4 hanggang 38 na minuto.
Kasunod nito ay nakapagtala din ng 14 na pagbubuga ng makakapal na abo ang Kanlaon at klapansin-pansin din ang pamamaga ng bunganga nito.
Samantala, ayon sa PHIVOLCS, mataas ang tsansa ng paganunsyo ng Alert Level 4 sa bulkan kapag nagpatuloy pa ang mga aktibidad na ito.
Kasalukuyan namang nakataas pa rin ang Alert level 3 sa bulkan kung saan bawal pa rin ang paglipad ng anumang klase ng ssakyang pamhimpapawid malapit sa tuktok ng bulkan at ang pagpasok sa nakapaloob sa anim na kilometrong radius mula dito.
Pinagiingat pa rin ang mga residente sa mga maaaring rockfall, biglaang pagsabog, pagbuga ng lava, at patuloy na pag-ulan ng abo.