-- Advertisements --

Nakapagtala ng 11 datos ng pagyanig ang Bulkang Kanlaon ngayong araw kabilang na ang dalawang volcamic tremors na siyang tumagal ng 3-4 na minuto.

Ayon sa datos na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagbuga din ng halos hindi bababa sa 4,328 tonelada ng sulfur dioxide at higit 150 metrong taas na plume ang bulkan ayon sa latest bulletin ngayong umaga.

Nananatili namang namamaga ang bunganga nito at kita ang mga deformities nito.

Samantala, nananatili namang nakataas ang Alert level 3 sa bulkan kung saan ipinagbabawal pa rin ang paglipad ng kahit anumang sasakyang pamhimpapawid malpait sa bunganga ng bulkan at ang pagpasok sa loob ng 6-kilometer radius mula sa tuktok ng bulkan.

Nagpaalala naman ang PHIVOLCS sa mga residente sa maaaring biglaang pagsabog, pagbubuga ng lava, pag-ulan ng abo, rockfall at pagdaloy ng lahar kung may malalakas na pagulan man.