-- Advertisements --

Nakapagtala ng panibagong volcanic earthquakes at ashing events ang Bulkang Kanlaon simula 12am ng madaling araw ng Sabado hanggang alas-12:00 ng madaling araw kanina.

Ayon sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakapagtala ng mahigit 14 na volcanic eathquake at ashing event ang Kanlaon kasabay ng pamamaga ng bunganga nito.

Naglabas namang muli ang bulkan ng mahigit 4171 na tonelada ng sulfur dioxide at taas na 700 metrong plume rin ang naibuga ng naturang bulkan ngayong araw.

Patuloy namang nakataas ang alert level 2 sa Kanlaon at kalapit probinsya nito. (BEA PANEZA)