Nakapagtala ng panibagaong datos ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng mga aktibidad ng Bulkang Kanlaon sa loob ng 24 hrs na monitoring ng ahensya.
Batay sa datos, nakapagtala ng 18 volcanic earthquakes ang bulkan at nagbubuga pa rin ng mga pagsingaw na halos nasa 150 metro ang taas.
Noong Marso 8 naman ay nakapagbuga ang bulkan ng 2,407 tonelada ng sulfur dioxide na may kasamang panaka-nakang abo.
Kapansin-pansin pa rin ang patuloy na pamamaga ng bunganga nito sa ngayon.
Samantala, patuloy na nakataas ang Alert Level 3 sa bulkan at pinapayuhan pa rin ang mga residente na lumikas at huwag muna pumasok sa mga lugar na nakapaloob sa 6-kilometer radius mula sa tuktok ng bulkan.
Pinagiingat naman ang mga residente mula sa mga maaaring biglaang pagsabog, pagbuga ng lava, pag-ulan ng abo, rockfall at pagdaloy ng lahar kung may malalakas na pagulan.