Nakapagtala ng hindi bababa sa 32 volcanic earthquakes sa loob ng 24 oras ang Bulkang Kanlaon batay sa naging monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Kasabay nito ay nakapagtala din ng apat na beses na pagbubuga ng abo ang bulkan na tumagal ng anim hanggang 32 na minuto.
Nakapagbuga naman ito ng may 75 metrong taas ng plume na may kasamang panaka-nakang abo na siyang mapadpad sa timog-kanluran at 8600 na tonelada ng sulfur dioxide flux.
Nananatili namang nakataas pa rin ang Alert level 3 sa Kanlaon dahil sa patuloy na mga aktibidad at pamamaga ng bunganga nito sa mga nakalipas na araw.
Ipinagbabawal pa rin ang paglipad ng kahit anong sasakyang pamhimpapawid at ang pagpasok sa anim hanggang pitong kilometrong radius mula sa tuktok nito na kasalukuyang bahagi ng permanent danger zone (PDZ).
Samantala, pinagiinagt naman ang mga residente sa mga maaaring biglaang pagsabog,pagbubuga nito ng lava, pag-ulan ng abo, lahar at rockfall.