Nakapagtala ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng panibagong datos na 23 na pagyanig at 11 na volcanic tremors na siyang nagtagal ng halos 4 hanggang 74 na minuto ang Bulkang Kanlaon ngayong araw.
Habang ang mga naging ash emmissions naman nito at tumagal simula 12 hanggang 84 na minuto habang ito naman ay nag buga ng 6559 na tonelada ng sulfur dioxide flux.
Ang mga pagsingaw naman ng Kanlaon ay umabot ng 200 na metro ang taas at mapapansin rin na mayroon itong kasamang panaka-nakang abo.
Samantala, nananatili naman sa Alert level 3 ang Kanlaon bunsod pa rin ng mga patuloy na aktibidad nito.
Pinagiingat naman ang mga residente sa paligid nito na hindi muna pinapayagang pumasok sa anim hanggang pitong kilometrong radius mula sa bulkan dahil sa patuloy na pagaalburoto nito.
Sa ilalim naman ng alert level 3 ay maaaring magkaroon ng biglaang pagsabog ang bulkan, pagbubuga nito ng lava, pagulan na may kasamang abo, rockfall at pagdaloy ng lahar mula dito.
Patuloy naman na binabantayan ng PHIVOLCS ang bulkan para sa mga maaari pa nitong mga aktibidad.