-- Advertisements --

Nagpalabas ng abiso ang Phivolcs sa patuloy na pamamaga ng Kanlaon volcano na posibleng mauwi sa explosive eruption.

Ayon sa ahensya, bagama’t dati nang namataan ang ground deformation. mas lumala pa ito sa nakalipas na mga araw.

Inilabas ang abiso nitong alas-7:00 ng umaga lamang ng Lunes, Hulyo 15, 2024.

“Considering that volcanic earthquake activity and elevated volcanic SO2 emission persists, the latest changes in ground deformation parameters could further indicate that magmatic intrusion beneath the edifice may be taking place, warning of increased chances of eruptive activity taking place.”

PHIVOLCS

Maliban dito, may mga naitatala pa ring pagyanig sa nasabing bulkan.

Ang Phivolcs ay patuloy na pinaiiral ang Alert Level 2 sa nasabing bulkan, kasabay ng taguybilin na mahigpit ang pagbabawal na pumasok sa four (4) kilometer-radius Permanent Danger Zone (PDZ).