-- Advertisements --
Nagbuga ng makapal na abo ang Bulkang Kanlaon bago magtanghali ngayong Lunes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Sinabi ng PHIVOLCS na mga alas-11:52 a.m. nang magsimulang maglabas ng abo at usok ang bulkan, na umabot sa taas na 800 metro.
Tinangay ang abo pakanluran-hilagang kanluran ng bulkan, kaya inaasahang makararanas ng ashfall ang mga residente sa La Carlota City, Bago City, at mga karatig-bayan.
Samantala, nananatili sa Alert Level 3 ang Kanlaon, hudyat ng mataas na antas ng volcanic unrest.
Ayon sa PHIVOLCS, may magmatic intrusion o pagpasok ng magma sa mababaw na bahagi ng bulkan, at may posibilidad na magdulot ito ng mapanganib na pagsabog sa loob ng mga linggo.