Naglabas ng 6,367 tonelada ng volcanic sulfur dioxide nitong Sabado ang kanlaon Volcano kung saan ito ang ikatlong pinakamataas na SO2 emission sa taong 2024, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)
Naiulat ang SO2 fumes sa ilang barangay sa Murcia, Negros Occidental.
Lumikha din ang Kanlaon ng 700-meter steam-rich plumes na dulot nang malakas na degassing activity mula sa summit crater.
Nakapagtala rin ang PHIVOLCS ng average na siyam na volcanic earthquakes kada araw mula pagsabog, at mabagal ngunit patuloy na inflation at pressurization ng edifice mula noong Marso 2022.
Nasa ilalim ng Alert Level 2 ang Kanlaon kung saan nangangahulugan na mataas ang posibilidad ng pagsabog o mapanganib na magmatic eruptions mula sa summit crater.
Pinayuhan naman ang publiko na umiwas sa four-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) at manatiling mapagmatyag sa posibleng panganib ng bulkan.