-- Advertisements --
KC Chiefs
Kansas City Chiefs/ IG post

Plano ng American football team na Kansas City Chiefs na payagan ang mga fans na manood sa Arrowhead Stadium sa pagsisimula ng 2020 NFL season.

Magiging host kasi ang koponan sa laban nila ng Houston Texan sa darating na Setyembre 10.

Ayon sa koponan na ang nasabing desisyon ay base na rin sa pakikipagpulong na rin nila kay Kansas City Mayor Quinton Lucas at sa NFL.

Mayroon lamang hanggang 22% na kapasidad ang kanilang papayagang manood sa laro at dapat nakasuot ng face mask ang mga ito ganun din ang pagpatupad ng physical distancing.

Magugunitang nakuha ng Chiefs ang kanilang unang NFL Super Bowl sa loob ng 50 noong nakaraang Pebrero.