Umalma ang Commission on Human Rights (CHR) sa naging desisyon ng Bureau of Corrections (BuCor) na kanselahin ang pribilehiyo ng mga preso sa buong bansa.
Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline De Guia, maituturing umanong “blanket punishment” ang pasya ng BuCor na kanselasyon sa visiting privileges ng mga bilanggo sa pitong penal colonies, dahil sa hindi matigil na pagkakasabat ng mga kontrabando.
Mainam umano ayon kay De Guia na ayusin na lamang ng pamahalaan ang aspeto ng pangangasiwa sa mga kulungan.
Dapat din umanong suriin nang husto ang sistema sa mga piitan upang hindi na malusutan ng mga kontrabando kagaya ng ipinagbabawal na droga.
“Rather than merely applying a blanket punishment, we equally urge the government to take a look at improving jail management—from their processes to personnel—to ensure that no unlawful act happen within the prison systems. It may also be good to revisit the implementation of RA 10575 intended to strengthen BuCor so that it can better respond to scenarios such as the one they currently face,” pahayag ni De Guia.