-- Advertisements --

LA UNION – Ginawang araw ng pahinga para sa finals ng mga surfers ang kanselasyon ng surfing competition nitong Sabado.

Sa team Philippines, sina Daisy Valdez at Ikit Agudo ang may hindi magandang pakiramdan kaya ginawa nilang pahinga ang kanselasyon sa palaro.

Kinumpirma naman ni coach Luke Landrigan ng team Philippines na hindi masasagabal ang momentum ng mga surfers para iti final round ngayon araw.

Sisiguruhin umano nila na nasa mabuting kondisyon ang mga ito sa final round ngayon araw kung saan pasok na sa medal round ang lahat ng surfers ng bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Kat Bolina, surfing competition manager, sinabi nito na normal lang ang kanselasyon sa kompetisyon kung saan nakadepende ito sa technical officials kung malalaki ang mga alon at kung ano ang direksyon ng mga ito sa kompetisyon.

Samantala, sasabak naman sa gold/silver medal round si Nilbie Blancada, Ikit Agudo at Rogelio Esquivel sa final round ng kompetisyon habang inaantay pa ang desisyon ng mga board of judges sa score ni Roger Casugay kung saan lamang ito bago pa makansela ang laro.