-- Advertisements --

Nakapagtala ng record ang Korean group na BlackPink.

Ito ay matapos na umabot sa 1-bilyon views sa YouTube ang kanilang music video na “How You Like That”.

Dahil dito ay itinuturing na sila bilang fastest K-pop girl group music video na nakaabot na ng 1-B view.

Inilabas ang kanta noong Hunyo 26, 2020 at sa loob lamang ng isang taon, apat na buwan at 16 na araw ay mayroon ng 1-B views na.

Nahigitan nila ang kanilang record sa kanta nilang “DDU-DU DDU-DU” na mayroong 1-B views sa loob ng isang taon, apat na buwan at 27 na araw.

Magugunitang noong Setyembre ay naging top most subscribed artist sa YouTube.