-- Advertisements --

Masayang ipinarating ng female Korean group na Blackpink na pumalo na sa mahigit 1-bilyon views sa YouTube ang music video nila na “How You Like That”.

Sa kanilang social media account ay pinasalamatan nila ang fans dahil sa panibagong achievements nila.

Tiniyak ng mga ito na magbibigay sila ng mga surpresa sa kanilang mga bagong kanta.

Bukod sa nasabing kanta ay may ilang music video pa ang grupo na umabot ng 1-B views at ito ay ang “DDU-DDU DDU-DU,” “Kill This Love,” “BOOMBAYAH,” at “As If It’s Your Last,”.