Mayroon ng mahigit 950 million views sa YouTube ang kantang “Kill This Love” ng Kpop group na BlackPink.
Ito na ang pangalawang video ng grupo na umabot sa nasabing dami ng views.
Inilabas ang nasabing video nong Abril 4, 2019 kung saan mayroon din itong mahigit na 14 million likes sa nabanggit na video sharing app.
Noong Hunyo kasi ay pumalo sa mahigit 1.2 billion views ang unang kanta ng grupo na “DDU-DU-DDU-DU”.
Ayon kasi sa Soompi, ang English-website na nagco-cover ng mga Kpop Group, na tanging ang grupo at si Korean singer na si Psy ang umabot ng ilang billion views sa YouTube.
Magugunitang noong Hunyo rin ng ilabas ng grupo ang bago nilang kanta na “How You Like That” kung saan ginawaran sila ng Guinness World Records na may nakakamit ng 86.5 million views sa unang araw lamang ng ito ay ilabas.
Binuo ang grupo noong 2016 na kinabibilangan nina Jisoo, Jennie, Rose at Lisa.