-- Advertisements --

Nakapagtala ng bagong YouTube records ang Korean boy band na BTS.

Ito ay matapos na umabot sa mahigit 101.1 million na beses na pinanood sa loob lamang ng 24 oras mula ng ilabas nitong Biyernes ang kanta nilang “Dynamite”.

Dahil dito ay nahigitan na nila ang record ng K-pop group na Blackpink na mayroong 86.3 million views sa loob ng isang araw ang kanta nilang “How You Like That” ng ilabas ito noong Hunyo.

Ang nasabing kanta ay siyang unang full English na aabot sa halos apat na minuto.

Ang grupo ay binubuo nina Kim Tae-hyung o kilala bilang si V, Jung Ho-seok o kilala bilang si J-Hope, Kim Nam-joon o kilalang si RM, Kim Seok-jin o kilalang si Jin, Park Ji-min, Jeon Jung-kook at Min Yoon-gi o kilala bilang si Suga.