Ipinagmalaki ng Filipina singer na si Reese Lansangan na ginamit ng National Aeronautics and Space Adminitration (NASA) ang kaniyang kanta para sa kanilang bagong kampanya.
Sinabi nito na hindi nga niya naabot ang kalawakan pero labis naman ang kaniyang kasiyahan nang ipaalam ng NASA na gagamitin nila ang awitin nitong “A Song About Space”.
Ang kanta na kaniyang ginawa pitong taon na ang nakakalipas ay patungkol sa space and exploration.
Umaasa pa ito na sana maging patok ang awitin pagdating sa International Space Station.
Ayon sa NASA ang bagong kampanya nila ay bilang suporta sa astronaut na si Bob Behnken at Dough Hurley na lulan ng Crew Dragon spacecraft na gawa ng Space X sa darating na Mayo 27 sa Florida.
Ito ang unang commercially built at American operated rocket at spacecraft na magdadala ng tao sa space station.