-- Advertisements --
Naguna sa Billboard Hot 100 chart ang solo single ni BTS member Jungkook na “Seven”.
Ang nasabing kanta nakasama ang singer na si “Latto” ay naging number 1 din sa Billboard Global 200 at Billboard Global Excl. US.
Dahil dito ay kasama na niya ang kapwa BTS member na si Jimin na tanging Korean singer na nag-number 1 sa Hot 100 chart.
Ang kanta kasi ni Jimin na “Like Crazy” ay pasok din sa number 1 ng Billboard Hot 100 charts.
Magugunitang inilabas ni Jungkook ang kantang “Dreamers” na ginamit sa FIFA World cup 2022 sa Qatar.