-- Advertisements --

Nanguna sa Billboard Hot 100 ang Christmas song ni Mariah Carey na “All I Want For Christmas Is You”.

Ito na ang pang-anim na beses na nanguna ang nasabing kanta ng kilalang diva.

Mula sa dating numero 2 ay umaangat ang puwesto nito tuwing nalalapit na ang kapaskuhan.

Inilunsad ang Billboard Hot 100 chart noong 2020 kung saan iniipon ang lahat ng genre ng US streaming (official audio at official video), radio airplay at sales data.

Ang nasabing kanta ni Carey ay unang inilabas noong 1994.