-- Advertisements --
Pinapatigil ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanta ng Pinoy rapper Shanti Dope na “Amatz”.
Sinabi ni PDEA Director Aaron Aquino, na ang nasabing kanta ay tila nanghihikayat sa mga kabataan na gumamit ng marijuana.
Malinaw na ang nasabing kanta ay hindi tumatalima sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga.
Nakasaad sa lyrics ng kanta ang tila epekto ng paggamit ng marijuana na ito ay organic at natural at walang anumang halong kemikal.
Dahil sa negatibong mensahe aniya ay pinapatigil ng ahensiya ang pagpapatugtog ng kanta sa lahat ng radyo, TV at internet.