-- Advertisements --

Nanguna na ang children’s song na “Baby Shark” bilang most-watched YouTube video.

Umabot na kasi sa mahigit pitong bilyon na beses itong napanood.

Ayon sa video sharing app, tinalo ng “Baby Shark Dance” ang kantang “Despacito” nina Luis Fonsi at Daddy Yankee.

Unang na-upload ang nasabing video noong June 2016 sa Youtube na isang remix ng American campfire song ng Seoul-based production company na Pinkfong.

Noong Enero 2019 naging pang-32 ito sa Billboard Hot 100.

Ginamit ng Washington Nationals baseball team ang nasabing kanta na naging pambansang awit nila na siyang nagpanalo sa kanila ng World Series noong nakaraang taon.