-- Advertisements --
Jose Mari Chan

Ipagdiriwang ngayon taon ng beteranong singer Jose Mari Chan ang ika-30 taon ng kaniyang kantang “Christmas in Our Hearts”.

Ang nasabing awitin na gawa ni Chan at songwriter Riza Caniza ay kinanta kasama ang anak ni Chan na si Liza.

Sinabi ni Chan, ang nasabing awitin ay nagpapakita na ang Pasko ay nagpapaalala na mayroong kakaibang kapangyarihan ang Diyos.

Magugunitang maraming mga memes sa internet ang lumalabas lalo na sa pagsisimula pa lamang ng buwan ng Setyembre o “ber” month.