-- Advertisements --

Ibinunyag ng rapper na si Gloc-9 na ang sikat na kanta niyang “Sirena” ay ginawa para sa kaniyang anak.

Sinabi nito na ang isang gay ang isa sa mga anak niya kung saan tila kinuha niya ang inspirasyon pasra mabuo ang kanta.

Labis naman na ipinakita ng rapper na kahit anong landas ang napili ng anak ay hindi magbabago ang pagmamahal nito sa kaniya.

Ang nasabing kanta ay ginawa noong 2012 kung saan ito ay patungkol sa isang anak na lalaki na may pusong babae na sa bandang huli ay siya ang naiwan para alagaan ang ama.