-- Advertisements --
Ibinunyag ng rapper na si Kanye West na siya ay na-diagnosed ng bipolar disorder.
Nadiskubre lamang ito ng payuhan siya ng kaniyang asawa dahil sa mga ikiniklos nito.
Dagdag pa nito na ang kaniyang asawa ay may mga nakasalamuhang bipolar noon kaya alam niya ang mga inuugali ng rapper.
Nakatulong umano ang diagnosis sa kaniya para mas lalong maintindihan niya ang kaniyang sarili.
May mga inireseta sa kaniya ng doctor na mga gamot na ito ay kaniyang iniinom para tuluyang gumaling siya.