-- Advertisements --
Humingi ng kapatawaran sa mga Hudyo ang rapper na si Kanye West dahil sa kaniyang antisemitic rants at ang pagsuporta kay Adolf Hitler.
Sa kaniyang social media account ay isinulat nito ang kaniyang paghingi ng paumanhin at pagpapatawad sa mga Hudyo kung saan wala umano itong intensiyon na manakit.
Ituturing na umano ang pangyayari bilang mahalagang aral sa kaniya.
Ang kaniyang paghingi ng tawad ay matapos na maglabas si Israeli MMA fighter Haim Gozali ng larawan ng missile kung saan may mensahe na dapat pumunta sa Gaza si Kanye.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na naglabas ng galit ang singer sa mga Jews dahil sa noong nakaraang taon ay naglabas ito ng pahayag na mananakit siya ng Hudyo kapag may nakialam sa kaniyang music deals.