-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Special mention sa national address ni Pangulong Rodrigo Duterte si Butuan City, Nongnong Brgy. Kapitan Wilfredo Membrillos na kasama sa listahan ng maraming mga barangay kapitan na iniimbestigahan matapos ini-gnay sa anomalya sa pag-release sa Special Amelioration Program (SAP).

Una rito, ilang mga benipisaryo ang nagreklamo sa Department of Interior and Local Government (DILG) matapos na ‘di makatanggap ng kanilang SAP fund habang ang iba naman ay nagreklamo dahil hindi buo ang kanilang natanggap.

Ayon sa Pangulo, hanggang sa ngayon nasa anim na buwang preventive suspension pa rin ang nasabing mga kapitan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Kung mapatunayan matapos ang hearing na hindi sila guilty, maaaring makaligtas ito sa posibleng ipapalabas na hukom ngunit kung mapatunayang may sala, kaagad silang tatanggalin sa serbisyo.