Mismong ang Kabus Padatoon (KAPA) International Ministry Incorporated ang nagpapabigat sa sarili nilang kaso dahil sa pinalolobong claims sa umano’y dami ng mga miyembro.
Ito ang sinabi ni Securities and Exchange Commission (SEC) Chairman Emilio Aquino, kaugnay ng inihahanda nilang criminal charges na ihahain laban kay Joel Apolinario at mga kapwa nito opisyal ng grupo.
Maging ang KAPA defenders sa internet, radyo at iba pang platform ay hahabulin din sa complaint.
Sa sariling claim kasi ng KAPA, nasa five million na raw ang kanilang miyembro at ang bawat isa ay may minimum investment na P10,000.
Batay sariling figure ng grupo, lalabas na P50 billion ang dawit dito, alinsunod sa 30 na payout kada buwan, bagay na mas nagpabigat sa usapin at kinakailangan ng agarang aksyon para matuldukan ang investment scam.
Kung susundan ang sinasabi ng KAPA, ito na ang biggest investment scam ngayon sa Pilipinas.
“Ultimately, it will collapse. It is inevitable. As sure as the sun will rise in the east tomorrow, they will never be able to sustain the 30-percent return per month for life,” wika ni Aquino.
Maging ang ibang investment group ay mino-monitor na rin ng SEC.